“simple lang” (June 8, 2013)

simple lang ang nais ko,

maglaro, tumakbo,

habulin ang aking anino,

abangan ang mamang sorbetero…

 

simple lang ang nais ko,

mapag-aral mga anak ko,

makapaghain ng paboritong adobo,

mapatulog sila sa malinis na kwarto…

 

simple lang ang nais ko,

buhay na may katahimikan,

masaya, may pagmamahalan,

hangad ang  maaliwalas na tahanan…

 

simple lang ang nais ko,

dumami man ang uban ko sa ulo,

lumabo man, ang dalawang mata ko,

ikaw lamang, sa isip ay maglalaro…

 

simple lang ang nais ko,

maubos man ang mga dahon sa puno,

dumami man ang mga gusali sa baryo,

ikaw pa rin mahal, nagmamay-ari nitong puso….

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 2, 2013, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: