“Salubungin ang Bukas” (written May 13, 2013)

Sa pagtitig ng malawak at asul na kawalan,

Sa pagbilang ng mga sasakyang dumaraan,

Sa musikang handog ng tilaok ng manok, 

Sa payapang pagtanaw sa tuktok ng bundok…

 

……..naglalaro, paikot-ikot sa aking isipan

……..ano nga ba ang meron sa ating kinabukasan?

……..ito ba’y kasing kulay ng kahapong binalikan?

……..ito ba’y tulad ng ating kaysayang kasalukuyan?

 

Hawak kamay sa pagharap ng pagsubok,

Pusong tapat, umiiwas maging mapusok,

 Handang humarap sa bagyong darating,

Handang sumuong sa mga hagupit at hinaing…

 

……..Pusong panatag mula pagtulog hanggang paggising,

………Pusong sinasalag kahit buhanging nakakapuwing…

 

Sa ating pagharap sa ating kinabukasan, 

Sa ilalim ng mangga na ating pahingahan,

Sabay na hihigupin, kapeng mainit sa tiyan,

Tahimik na paligid, langit pasasalamatan…

 

 

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 2, 2013, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: