kakaiba ka… (June 12, 2013)

sabi nila, mga lalaki ay pare-pareho,

sabi nila, lahat kayo ay bolero,

kumbakit ayaw umayon ng aking puso,

mali sila, ang tugon kong nakanguso….

 

aking giliw, ikaw ay kakaiba,

marahil lahat, napagdaanan mo na,

naniniwala ako na sa aking piling,

sa aking yumi, ikaw ay mahuhumaling….

 

pangako mo’y ihaharap ako sa dambana,

harangan man tayo ng bala o pana,

pangako mo ako’y iyong mamahalin,

ikaw man ay paulit ulit na di patuluyin….

 

kakaiba ka nga sa di ko masabing dahilan,

basta naniniwala ang aking puso at isipan,

di ko makita ang sinasabing hangganan,

lahat ng iyong salita, walang kasinungalingan….

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 2, 2013, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: