“aking bayani” (June 12, 2013)

ikaw ang aking makabagong bayani,

saludo sa layo, at sa hirap na pinili,

magandang buhay maibigay, di bale ang sarili,

init, pagod, tinitiis, basta lamang may maiuwi…

 

minsang nasasabik sa mainit na yakap,

nagkakasya na lamang muna na mangarap,

tindi ng kalungkutan, iniisantabi muna,

kailangang kumayod, mga anak umaasa….

 

sa iyong pag-uwi, hayaang ikaw ay imasahe,

hahainan kita ng masarap na ube,

kadios-ubad na may baboy pang sangkap,

sisiguraduhin kong ngingiti ka sa sarap….

 

sa mga sandaling naririto at kasama,

hayaan mong maging hari ka muna,

pagsisilbihan ka, ng iyong butihing reyna,

anumang hirap, hindi na maalintana….

 

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 2, 2013, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: