from u to me…

mahal, sa puso ika’y nanahan,
pagmamahal mo’y pakakaingatan,
pangarap kong nabigyan ng katuparan,
di kayang wasakin kahit ninuman.

tandang tanda ko nung una tayong nagkita,
naghahanap ka ng mga bagong makikilala.
pakilala dito,pakilala doon,
hanggang sa akoy iyong matunton.

ang araw ay naging mga linggo,
ngunit mga ngiti moy di nagbabago.
salamin ka ng isang masayahing tao,
na may lungkot at hirap din pala na di ko natanto.

lumipas ang maraming buwan,
na lagi ika’y nasisilayan.
sarili ko’y di maintindihan,
may gusto na ba ko sa iyo nararamdaman?

di naglaon akin nang nabatid,
pag ibig na nga sa pagdating mo ang hatid.
ninanamnam ko ito sa iyo ng lingid,
takot masaktan, takot ma-“basted”.

dumating ang araw na ika’y aalis,
uuwi na sa bayan na mong ninanais.
masakit man pero kelangang kong magtiis,
sa pag aakala sakit ay madaling mapalis.

marami mang taon ang dumaan,
pero di ka nawala sa aking isipan.
pilit pa kitang hinanap kung saan,
kahit na batid, ito’y walang katiyakan.

dumating ang araw, muli kang nakita,
ibang iba na sa nakilala kong bata.
ako’y di makatingin,di makasalita,
ito ba’y sa tuwa o di kaya sa hiya.

ngunit nawalan ako ng pag asa,
sa balitang ikaw na pala’y may asawa.
lalo pa’t nalamang nagkaroon ng bunga,
biglang nabura lahat sa puso ko ang saya.

sobrang sidhi lang ng aking pagmamahal,
di ka isusuko, yan ang laging usal.
mabait ang Diyos sa aking dasal,
pagkat balewala na pala ang inyong kasal.

di nagdalawang isip ika’y tinawagan,
di lang kumustahin, plano pang ligawan.
buong tapang sinabi dating nararamdaman,
makuha lamang matamis mong kasagutan.

di nga naglaon ay naging tayo,
puno ng saya ang bawat minuto.
walang sinasayang, oras man ng trabaho,
mapadama lang na ako’y iyo.

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on May 26, 2013, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW. Bookmark the permalink. 2 Comments.

  1. wow muli kitang nadama muli..wb chilled 😉

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: