Sa Paglakbay ng Paruparo

Napangiti…

Isang taon na palang nanahan,

Dito sa lugal na may kasiyahan,

Pagsusulat ay nagbigay ng kaligayahan,

Sa isang pusong naiinip at sugatan…

Bakit nga ba napapadpad dito?

Pagtipa ay lubhang  nakahiligan,

Salamat sa paanyayang pinagbigyan,

Umagos aking mga tula sa tapayan,

Nakakatuwang sinisilip ng karamihan…

Ano ang naging karanasan?

Hinding hindi malilimutan,

Ang tinamasang kasiyahan,

Sa paglalaro ng mga talata,

Sadyang natuwa sa dami ng tula…

Lumawak ang mundo ng imahinasyon,

Maraming  kausap sa isang pagkakataon,

Isang komunidad ang nabigyan ng buhay,

Kahit kausap ay nananatiling walang silay…

Naroong tumawa, humagalpak,

Humalakhak katibayan ng galak,

Naroon ding sa lungkot ay umiyak,

Pumalahaw sa sakit ng saksak….

Isang taon na nga pala…

Isang malalim na buntong hininga…

Kaysaya at kaylungkot ng nakaraan,

Makulay nga itong aking tambayan….

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on May 3, 2013, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 4 Comments.

  1. hapi 1st anniversary sa iyong blog, chilled🙂

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: