Humakbang Muli…

(maling kaisipan, sa lusak nabaon… inangat ang mga paa, humakbang muli)

 

Muling humuni ang mga tutubi,

Hayun at palipad-lipad sa tabi,

Pakinggan,  malakas na pagaspas,

Makulay na mga pakpak, paglipad ay wagas…

 

Kayrami na nga palang  nangyari,

Maligalig, minsan nakakakunsumi,

Lumilipas din pala ang lahat ng pighati,

Dumarating din,  ang magandang ngiti…

 

Bumangon ng kusa, huwag gumapang

Palakasin, tuyo’t pagal na  katawan,

Isuot muli, kasuotang pampasyal,

Lumabas na,  mula sa gubat na masukal…

 

Hanging nakayakap sa luntiang paligid,

Nagsasabing buksan na, pintong nakapinid,

Mula sa madilim na kahapon, unti-unting bumangon,

Pangit na karanasan, tuluyan na ngang ibaon…

 

Humakbang lang  muli, mukha man ay nakangiwi,

Durog na damdamin, huwag hayaang manatili,

Mga bubog na humiwa, mga pakong nakabaon,

Mga sugat na dulot, paghilumin nawa ng panahon…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on April 17, 2013, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: