Nais kong Isatitik

Nais kong isatitik,

Mga kaisipang hitik,

Mga ideyang namumutiktik,

Pilit umuukit  kahit ako’y naghihilik…

 

Kung ikaw lang sana ay narito,

Bubuhusan kita ng kwento,

Ipapasilip ko ang aking puso,

Pagmasdan, may ngiti sa aking nguso…

 

Hihilain kita sa isang tabi,

Matabil na dila’y di pahuhuli,

Ikaw ay tiyak na maaaliw,

Kamot ulong nakaraan, isasaliw…

 

Ikaw ay mananaghili,

Karanasa’y di na maisauli,

Ikaw minsa’y maiinis,

Ngitngit dahil mali, di maiaalis…

 

Ikaw din naman ay mapapangiti,

Nalabhan na nga ang mga puti,

Nagsikap baluktot ay ituwid,

Upang sa putik,  hindi mabulid…

 

Ikaw ay makinig,

Di lamang basta kinikilig,

Sa iyong paghilig,

Damhin ang tapat na pag-ibig…

 

Balat ay inalis,

Kalat ay winalis,

Isa muling panimula,

Nawa’y mapuno ng tuwa…

 

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on March 24, 2013, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: