Maling Salamin

(Minsan may nagpayo, “huwag paapekto sa mga salita, hindi lahat ng akda,   sa iyo nais ipatama” )

 

Lumipad lipad,

Kumandirit,

Muling nasilayan,

Pamilyar na tambayan,

Napatingin,

Napamasid,

Mga bulaklak,

Namumukadkad,

Kulay rosas,

Nanghahalina,

Mga dahon,

Mayabong, luntian,

Lingon lingon,

Maaliwalas,

May kasiyahan,

May katuwaan…

 

Ngunit…

Sa paghinga ng malalim,

Hangi’y bumulong ng babala,

Anya’y may panganib,

Magmatyag ka muna…

 

Naroon  sa isang tabi,

Isang halamang tuyo,

Nakayuko sa lupa,

Walang kulay,

Walang buhay,

Daho’y nalalagas,

Masdan ito’y naagnas….

 

Sa kabilang ibayo,

Nagmamatyag na mata,

Nananalisik,

Sa sulok nakasiksik,

Tila  nais sumugod,

Sa poot ay nagpupuyos,

Pipit ay nangamba,

Ano itong nakaamba?

Matatalim na kuko,

Maaring ipangkalmot,

Ng isang nilalang,

Na nilukob ng poot?

 

Lipad muli,

Nagkubli,

“Kamingaw”

Isa lang ang malinaw,

Malabong tubig sa tapayan,

Siya yatang nasalaminan…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on March 23, 2013, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 6 Comments.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: