“Laslas Puso”

Laslas puso, ito ang iyong ginawa,

Umasa, nangarap, ngunit nabahala,

Pusong tahimik, naghintay sa wala,

Buong pagkatao, ibinaon mo sa lupa…

 

Sa kanyang pagtibok, dugo ay umagos,

Sumabog  ang pag-ibig, wagas at lubos,

Ngunit sa kawalan ng kalinga, lahat natapon,

Lagaslas nawala, nagmistulang tuyong balon….

 

Walang magawa, hindi talaga nagsawa,

Pusong namamaga, iyo pang hiniwa,

Ikaw ba giliw, di marunong maawa?

Pusong nadurog, tila ikaw pa’y natuwa?

 

Natuyot, nalanta,  kulay ay pinanawan,

Di na kayang tumibok, nahulog sa kawalan,

Pusong may kakayahang magmahal ng totoo,

Pinaglaruan naman ng walang kwentang tao…

 

x …. x….x….x..x..x…x..x…x…x…x…x…x….x…x..x..x….x…x…x..x…x…x

 

Heto ang pinaghugutan ng ideya🙂  :

Filipinos are hopeless romantics talaga…
Mahilig tayo sa mga “laslas pusong mga kanta”
– Toni Gonzaga while interviewing Aiza Seguerra on her song “Anong Nangyari?”

“LASLAS PUSO…” – pambihirang description, napangiti naman ako🙂

 

 

 

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on March 3, 2013, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN, STATE OF MIND. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: