Kon-serN

Hindi mapakali kung hindi ka nakikita,

Hindi makatulog hanggat hindi naririnig,

Wala sa wisyo hanggat di napagtantong ayos ka,

Natutuliro  sa tuwing  ika’y nawawala…

 

Kon-serN…

 

Iniisp ko kung ikaw ba ay maligaya,

Iniisip ko kung ikaw ba ay masaya,

Iniisip ko kung ikaw ba ay nakangiti,

Ipinagdarasal na ilayo ka sa pighati…

 

Kon-serN…

Hindi hahayaang ikaw ay mapariwara,

Hindi hahayaang ikaw ay maiwang tulala,

Hindi hahayaang ikaw ay malumbay,

Dahil  magkarugtong na,  yaring ating BUHAY…

 

Kon-serN…

Tulad ng pagmamahal, yan ang aking alay,

Minsan nga lang, usyosera sa iyong buhay,

Bagamat ako ay pasaway din minsan,

Sa iyong tabi, ako nama’y hindi liliban…

Advertisements

Posted on February 27, 2013, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 3 Comments.

  1. hindi liliban? aba, old word yaon for absent, daba? hello po… 🙂

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s

%d bloggers like this: