Ilusyunado

“Ilusyunadong mama, ikaw naman ay maawa,

Huwad na kasiyahan, kundi kayang panindigan,

Mga salitang kasinungalingan, huwag mong bitawan

Huwag makasarili, kung ika’y puno ng karuwagan….”

 

May mga taong sobrang ilusyunado,

Akala mo naman kung sinong gwapo,

Mabulaklak na dila, madulas na salita,

Dilag nahahalina, akala may mahihita…

 

Samantalahin ba ang tulalang kabataan,

Nalulunod sa hungkag na kwentuhan,

Kinikilig na dilag, di alintana ang salot,

Biktimang mangmang, naiiwang malungkot…

 

Ilusyunado ka pare ko, wag kang ganyan,

Mag-ingat ka, ika’y may nasasagasaan,

Kung hindi nais, na dilag ay totohanan,

Ikaw nga ay manahimik, doon sa kangkungan!

 

Kawawang dilag, maghuhugas ng mata,

Di alam saan dadalhin ng kanyang mga paa,

Pilit aayusin ang nalukot niyang mukha,

Magpapagaling ng sugat na iyo ngang likha…

 

 

 

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on February 26, 2013, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: