Ayaw Kitang Kaibigan

Ayaw kitang kaibigan,

Kasi hindi kita mahahalikan,

Gusto pa naman kitang kayakapan,

Utak at isipan, ikaw ang tanging laman…

 

Ayaw kitang kaibigan,

Kinikilig kasi ako sa iyong pagkindat,

Sa iyong ngiti, nawawalan ako ng ulirat,

Sa talon ng puso, ako man ay nagugulat…

 

Ayaw kitang kaibigan,

Kasi di mo ako tinatantanan,

Lagi na lang kitang napapanaginipan,

Mga mata ay nakapikit o nakamulat man…

 

Ayaw kitang kaibigan,

Iyan ang iyong tatandaan,

Kaya pwede ba, hiya ay iyong iwanan,

Yayain mo na ako sa isang tahimik na hapunan…

 

hala! Asan na si Maria Clara?🙂

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on February 26, 2013, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW. Bookmark the permalink. 3 Comments.

  1. Napadaan lang…panalo yung tahimik na hapunan!🙂

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: