Sinisipag ako…

Ang sarap pakinggan ng tunog,

Takatak, Takatak, Takatak!

 

Aba! Diyata’t abala na naman,

Sa aking utak, mga letra umiikot,

Mga daliri, naglalaro, naghahabulan,

Mga ugat, buhay pa pala at walang lumot…

 

Ano na nga ba  aking isusulat?

Tungkol sa aking mga karanasan?

Maaari bang sakupin ko na lang lahat?

Ayan, hindi tuloy maumpisahan…

 

Magkwento tungkol sa pag-ibig,

Sadya nga namang  nakakakilig,

Magkwento tungkol sa buhay-buhay,

Ikaw naman ay sadyang napapa-haaaayyyyy…..

 

Hmmmmm….

Walang tema…

May kwento, wala atang kwenta….

 

Malamig kasi ang panahon ngayon,

Sarap matulog, umuwi doon sa nayon,

Lumamig din yata ang aking bumbunan,

Kung kaya’t magtakatak ay biglang naisipan…

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on February 22, 2013, in KARANASAN. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: