Huminga ng malalim…

Nakatulala…

Dilat ang mga mata…

Nangangalumata….

Anyare?

Ansabe?

Naglakbay ang diwa,

Bumalik sa kahapon…

May kirot,

May ngiwi,

May ngitngit,

Nagliliyab, mainit,

Samu’t saring pakiramdam…

Isang buntunghininga,

Hinugot ang hangin,

Napuno ang dibdib,

Ibinuga,

Bakit ?

Tinubuan, di lamang ng sungay,

Lumapad din ang mga pakpak,

Kumadirit, di mapakali,

Lumipad…

Mabilis,

Matayog,

Mailap,

Nawala, di mahagilap…

Isang buntunghininga,

Tama na nga,

Huwag na,

Tigil na,

Ipikit ang mga mata…

Huminga ng malalim,

Lamig lang ng ulo,

Kapalaran nagbabago,

Hindi iyan para sa iyo…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on February 15, 2013, in DICTATES OF THE HEART. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: