Pag-ibig Nga…

Happy Valentines🙂

 

Talutot ng bulaklak, matatag at makulay,

Sa pagdating ng ulan, pilit na kumakaway,

Masayang sumasabay sa pag-ihip ng hangin,

Sumasayaw, kasabay ng pag-ibig na nakahain…

 

Ginoong nasa di kalayuan, panay ang tingin,

Yumi ng bulaklak, nakatawag pansin,

Kakaibang tibok kanyang naramdaman,

Pangiti-ngiti sa dilag na nasilayan…

 

Sinubukang makipagkaibigan,

Nakipag habulan, nakipagbatuhan,

Nakipagbiruan, minsa’y nagkakapikunan,

Subalit mga puso, sumisigaw sa katahimikan…

 

Bulaklak sa hardin, tuluyan nang namukadkad,

Makisig na Ginoo,  sa hardin muling napadpad,

Sisilip-silip, mamasid-masid, makita sana kanyang hiling,

Bulaklak pala ay naghihintay, tagapitas ay muling dumating…

 

Naligaw man sa kanyang paglalakbay,

Nabangga man ng makailang ulit,

Nakasagasa man ng maraming nilalang,

Dumating na ang panahon,

Ngayo’y mananatili…

 

Sa ilalim ng lilim ng punong mangga,

Magkakape,

Nakatingin sa langit,

Nagpapasalamat,

Mahigpit ang yakap,

Tadhana na ang nagtakda…

 

Pag-ibig  nga…

Tunay…

Tapat…

Walang panaghili…

Walang pag-aatubili…

Sa panata, ako’y naniniwala…

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on February 13, 2013, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 2 Comments.

  1. nakaka-relaks na tula.🙂

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: