Lumayong tala…

 

Nakatitig sa maliwanag na langit,

Sinisikap sipatin ang bawat guhit,

Nais habulin ang mga bulalakaw,

Nais isiping may isa pang IKAW…

 

Pagkakataon ang naglapit,

Sa lungkot, nakapangunyapit,

Mga salitang nakapagbigay aliw,

Mga sambit na sadyang nakakabaliw….

 

Nariyan sa malapit,

Nagsusumamong pilit,

Puso ay di nakinig,

Umaawit ng ibang himig…

 

Paglalayo ay sumapit,

Nahilo na nga ang pipit,

Naramdamanan ang hagupit,

Sa mundong napakaliit…

 

Tumitig muli sa langit,

Pinagtanto ang sinapit,

Kung kaya lang muling hawakan,

Yaring tala, hinding hindi bibitawan…..

 

Dama ang hanging malamig,

Sa dilim ng gabi, anino lang ang kaniig,

Lungkot na bumabalot,

Parang ahas na nakapulupot…

 

 

 

 

 

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on February 13, 2013, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: