MERI KRISMAS TO U AND U AND U….

 

Oras ninyo ako ay makikihati,

Tanggapin ninyo ang aking pagbati,

Maligayang Pasko sa angkan ninyo,

Sa pamilya, sa kasintahan, sa lola’t sa lolo….

 

Hmmmmm…hapag kainan ba ay sagana?

Kundi man, kumpleto ba ang pamilya?

Tayo’y tumingin sa langit, tara! tara!

Diyan man lang, tayo ay magkasama-sama!

 

Uyyy…. huwag malungkot kung may kulang,

Pag- uwi sa bahay,  minsan may hadlang,

Lalo na’t may kanya-kanya nang buhay,

May inaasikaso pang lumalaking mga inakay….

 

Meri krismas na lang aking mga kaibigan,

Ngumiti tayo kahit sa buhay ay nahihirapan,

Tumingin sa paligid, masdan dahilan ng pagngiti,

Iyan ang mga biyayang tayo ay hati-hati….

 

 

MERI KRISMAS!!!!

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on December 20, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW. Bookmark the permalink. 12 Comments.

    • wow Mr Bean! ang ganda naman ng iyong pamasko sa akin🙂 ako heto…isang dasal na sana ikaw ay maging matagumpay sa lahat ng iyong endeavors🙂 maging masaya palagi🙂

  1. Maligayang pasko po! to you and yours…🙂

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: