“LIHIM”

Langit nagsilbing saksi,

Tahimik na nagkatabi,

Mga pusong nanahimik,

Nais lumugar, nais sumiksik…

 

Gumuhit ng magandang larawan,

Sa ligaya ay walang pagsidlan,

Humabi ng makulay na tela,

Init na hatid, tumatatak sa alala…

 

Lihim na sa lahat ay di maamin,

Kahit naghuhulagpos taglay na damdamin,

Paano nga ba ang maging pipi at bingi?

Kung mga puso ay nais umawit at humuni?

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on December 14, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW. Bookmark the permalink. 7 Comments.

  1. Babala: walang lihim n di nabubunyag.
    Ala! Unahan mo na hehehe

  2. Magandang Pasko po!

    P.S. ang mga lihim, matagal bago nabubunyag, as in…😉

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: