“Katuparan”

Naglaro ng habulan,

Masayang nagkulitan,

Sabay sa kainan,

Sabay din sa uwian…

 

Pasulyap sulyap,

Mata ay di kumukurap,

Kapag nahuli ang titig,

Ngingiti, halatang umiibig…

 

Ninais na makayakap,

Pagkakataon man ay mailap,

Pasimple-simple lamang,

Hahawak  sa malambot na baywang…

 

Ngayon ang mithing katuparan,

Hatid nito’y lubos na kaligayahan,

Sa putik, noon man ay nagbabatuhan,

Ngayon ay nagsasalo na  sa pagmamahalan….

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on December 14, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW. Bookmark the permalink. 2 Comments.

  1. Bumabalik tuloy ang alala ni froggy habang nakikipaghabulan at nagtatampisaw sa ulanan.. *kilig kilig hehehe

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: