Bahaghari

Damdamin ko ay mistulang bahaghari,

Nag-iiba ang kulay, minsan di mawari,

Lumilitaw,  matapos ang malakas na ulan,

Sumasabay,  sa maliwanag na kalawakan…

Kulay pula, minsan ganyan ang aking mga mata,

Kulay asul, minsan ang aking puso ay nasusukol,

Kulay dilaw, madalas kang hanap ng balintataw,

Kulay berde, minsan ako’y nasisiraan nga ng kukote….

Kaygandang pagmasdan, mga kulay sa kalangitan,

Tunay na hindi nakakasawa, napakasarap titigan,

Minsan ako ay nangangarap, bahaghari ay maging ako,

Upang ang iyong mga mata giliw, sa akin lang nakapako….

 

 

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on November 19, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW. Bookmark the permalink. 4 Comments.

  1. Manul-nulat ng Bayan

    Minsan ako ay nangangarap, bahaghari ay maging ako,

    Upang ang iyong mga mata giliw, sa akin lang nakapako….

    —————-ganda ng puntos mo———-

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: