Ganda Lang ang Katapat

Sino ang magsasabing ako ay naghihirap?

Kung ang aking mga mata ay kumukuti-kutitap?

Sino ang mag-aakalang may cancer ang aking bulsa?

Kung ako naman ay talagang hanep sa postura?

Sino ang magsasabing ako ay di maligaya?

Kung ang aking buhok ay nagsusumigaw na pula?

Sino ang magsasabing ako ay nagdurusa?

Kung ang aking ngiti ay laging hanggang tenga?

Kapatid, minsan bumabagsak ang langit sa lupa,

Kung tayo ay nakatulala, siguradong sa atin ito’y tatama,

Iwas sakuna kung ating mga mata ay laging mulat,

Katatagang dapat makita, syempre, ganda lang ang katapat!!!

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on November 17, 2012, in FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 1 Comment.

  1. Manul-nulat ng Bayan

    “Kapatid, minsan bumabagsak ang langit sa lupa,

    Kung tayo ay nakatulala, siguradong sa atin ito’y tatama,

    Iwas sakuna kung ating mga mata ay laging mulat,

    Katatagang dapat makita, syempre, ganda lang ang katapat!!!”

    —isang kaisipang tunay na nagaganap sa tunay na buhay….
    ang kagandahan ng kapalaran ay natatagpuan ng naghahanap at ang ibang tao na nag-aakalang kaygaan ng babagsak na biyaya,agad sinasalo bagama’t di pala nila nakikita na sa likod nito ay may mga basura at tinik na kasama…..

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: