“Pabling”

“Huwag maging mapaglaro, di lahat ng panahon ikaw ay makakatisod ng ginto”

Kayhirap sukatin ang pagkatao ng isang nilalang,

Nakangisi sa likuran, lalo na’t muling nakalamang,

Hindi nga pare-pareho ang tingin sa tama,

Lalo na kung ang tama ay hindi kita sa gawa…

Si Kuya na mabulaklak kung magsalita,

Mapungay ang mga mata, kahit may muta,

Gamit-gamit ang taglay na pang-akit,

Kahit sino, tunay ngang kanyang nabibingwit….

Matapos na isumpang susungkitin ang mga bituin,

Matapos na ipangakong anumang layo ay lalakbayin,

Iiwanan na lamang si Neneng na nasasaktan,

Nakaupo sa tabi ng kalsada, sumisinghot, luhaan…

Si Mr. Suave na napakaguwapo at kay kisig,

Nakakahalina nga naman ang kanyang tindig,

Sa kanyang pa-cute na pagkindat at pagngiti,

Si Binibining Ganda ay nahalina, parang kiniliti….

Ngunit saya ay di nagtagal, lalaki’y sa ibang tabi napagawi,

Nakakita ng ibang kulay, nakatikim ng ibang labi,

Pangako sa binibini ay nalimutan, mga plano ay nabinbin,

Nawala na ring parang bula, di alam kung saan hahagilapin…

Naku Pare, huwag kang maging mapaglaro,

Hindi lahat ng panahon, makakatisod ka ng ginto,

May pagkakataong ang tadhana ay magwawala,

At ikaw ay sisingilin sa iyong mga ginagawa….

Masaya ka ngayon dahil ikaw ay sariwa,

Mabango at makisig, anyo ay naiiwan sa diwa,

Kaysarap pangarapin, kaysarap makasama,

Ngunit kundi ka magtitino, kaysarap mong ibasura….

 

Paalala lamang po sa mga PABLING…

Paano kung isang araw, ikaw ay nagsawa nang maglaro? Nais mo nang lumagay sa tahimik, tapat na irog na iyong nilinlang naman ay nagising… Kahit anong iyong pagmamakaawa, di ka na nya nanaising makapiling.  Katanungan, WORTH IT ba ang iyong pabaling-baling?

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on November 16, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 12 Comments.

  1. Digital ang balik. mabuti at di na ako pabling ;-0

  2. theworshipwarriorbride

    hahaha! atig ‘to ate…sasabihin kong ito na ang pinaka-peborit ko sa mga posts mo!😉
    nakakaaliw pero tamaan ang dapat tamaan! hahaha

  3. bato bato sa langit, ang tamaan, guilty! iwas iwas nalang.

    mabuti nlng hindi ako ganun….

    kabagal umiwas. hahaha

    good boy po ako.😀

    yang mga pabling dapat maghinay-hinay..
    hindi nila alam ang sakit sa puso ni inday.

  4. ay ayokong humusga…. humarap na lang sa salamin at tanungin, “salamin, salamin, ako nga ba ay Pabling?”

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: