Kwentuhan…

Sa minsang napasabak sa kwentuhan,

Anuba’t ang napagtripan,

Palitan ng malayang kaisipan,

Maligayang halakhakan,

Ngunit, minsan, masakit sa bumbunan…

Meron daw kasabihan,

Pag binato ka ng bato,

Batuhin mo ng tinapay…

Ang sagot ng pilosopo,

Paano kung tinapay ay may bato?

Ang sabi pa ng magandang dalaga,

Kung may tiyaga,

May nilaga…

Pag-isipan daw, ang balik tugon,

Eh paano kung nilaga ay natapon?

Heto pa ang banat ng kausap ko,

Huli man at magaling,

Maihahabol din,

Ang sagot ni Neneng,

Eh paano kung mas matulin ang tusong matsing?

Nasanay na nga sa kwentuhang makulay,

Ngunit pag naiinis,  nawawalan ng buhay,

Pabalang na kung magbigay ng pananaw,

Hindi na nga maunawaan ang mga hataw,

Nguso ay mas mahaba pa sa natatanaw…

Eh paano kung ang kakwentuhan ay lumisan?

At paano kung ikaw ay kanyang ayawan?

Siguradong tititig na lamang sa kawalan,

At iisiping, kung ang huntahan ay may tawanan,

Siya sana ay mananatiling nariyan…🙂

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on November 7, 2012, in KARANASAN. Bookmark the permalink. 2 Comments.

  1. tama🙂
    Kaya ako yung housemate ko mas excited pa ako sa rest day nya kesa sa kanya. Ibig kasi sabihin Overnight kwentuhan yun. harhar

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: