Maikling Buhay

maikli lamang ang ating buhay,
di nga dapat mawalan ng kulay,
di mahalaga, bagay na materyal,
lalo’t  sa dibdib, may nakatarak na punyal…


tik tok tik tok

kaya mahalaga na sa bawat araw,
hindi tayo nambubulahaw,
hindi tayo nambubuwisit,
upang di rin tayo mahagupit…

tik tok tik tok….

kakaunting panahon na lamang,
di na makikita ganda ng parang,
di na makakatampisaw sa batis,
di na rin masasabing walang mintis…

tik tok tik tok

Lilipad tayo kasama ng hangin,
Makikipaglaro sa mga bituin,
Kay gagandang mga kerubin,
Tayo ay kanila ring sasalubungin….

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on November 6, 2012, in FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: