ano ang iyong ikinaliligaya?

Ano ang iyong ikinaliligaya?
Balde-baldeng pera ba?
Marangyang bahay?
Masaganang buhay?

Bakit ka nabubuhay?
Para yumaman?
Tanong ko lang,
Masaya ka ba?

Ulit…..
Bakit ka ba nabubuhay?
Para maging kapaki-pakinabang?
O para mamayagpag sa katanyagan?

Ulit, paulit-ulit…..
Ilang taon ka na lang bang mabubuhay?
Ano ang pedi mong ikasiya?
Ginagawa mo na ba?

Tik tok tik tok tik tok….

Ang tagal mong sumagot,
Kandila ay nauupos,
Apoy ay maaring kitlin ng hangin,
Iyong kaluluwa ay lilipad sa kawalan….

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on November 3, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW. Bookmark the permalink. 10 Comments.

  1. Yung ikakaligaya ko, payak na pamumuhay at babaeng magmamahal na pang habambuhay:-) be happy gurl !

  2. Correct ka jan.. pero makakamit at makakamit natin ang mga bagay na makapagpapaligaya sa atin sa tulong ng Dakilang Lumikha. Kapit lang..;-)

  3. maikli lamang ang ating buhay,
    di nga dapat mawalan ng kulay,
    di mahalaga, bagay na materyal,
    kung sa dibdib may nakatarak na punyal…


    tik tok tik tok

    kaya mahalaga na sa bawat araw,
    hindi tayo nambubulahaw,
    hindi tayo nambubuwisit,
    upang di rin tayo mahagupit…

    tik tok tik tok….

    kakaunting panahon na lamang,
    di na makikita ganda ng parang,
    di na makakatampisaw sa batis,
    di na rin masasabing walang mintis…

    tik tok tik tok

    Lilipad tayo kasama ng hangin,
    Makikipaglaro sa mga bituin,
    Kay gagandang mga kerubin,
    Tayo ay kanila ring sasalubungin….

    • dahil ang nakatakda ay nakatakda…
      nasa hinuha man ito o wala…
      lilipad at lilipad… minsan di sinasadya,,,
      isa lamang ang batid, sasalubong ating Maylikha…

    • aking katanungan,
      sino nga ba ang karapat-dapat?
      sino lang ang maaring bumato sa mga marumi?
      sino ang maaring masabing walang sala?

      (lahat NG TAO ay may mabuti at may maling nagawa, ang tanong, kung nagkamali, NAGSISI NA BA upang maging karapatdapat?)

      • ang mahalaga lamang, ang kahit sinong nilalang,
        matutong yumuko kung mabubungo,
        matutong kumapit kung nahuhulog,
        matutong magparaya kung may nais lumigaya,
        matutong makita ang mga aral mula sa mga pagkakamali…
        matutong ipaglaban ang nararapat at manindigan para rito,
        hindi kailangang maging santo o santa upang maging kaaya-aya,
        ang kailangan lang magpakatotoo at huwag maging mapanlinlang…

  4. gusto ko ng contentment… yun lang… hihihi..

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: