“Tol, Pre, Mare”

Oi  Tol! Musta na? Tumaba ka ba o mata ko lang ay may muta?

Oi Mare! Musta na ang beauty? Wagi ba palagi? Sino na lang ba sa atin ang sexy?

Oi Pare! Tiyan ba yan? OK ka ba diyan? Toma ba palagi o bote’y matagal nang hiniwalayan?

Oi mga ka-berks, da-barkads, ka-tropa, ka-cheatmates, klasmeyts…

NAHIDLAWAN MAN AKO KANINYO… J

 

Tol, walang iwanan, sa inuman man o kainan,

Mare, minsan tamang emo, sige lang, iyong pakinggan,

Pare, kasangga ko sa lahat, halika, tayo nga ay mag kwentuhan,

Mga kaibigan, tunay na di nagmaliw ang ganda ng ating samahan…

 

Saang sulok ng mundo man rumarampa ang bawat isa,

Anong biyaya man ng buhay ang ating tinatamasa,

Naroon pa rin ang giliw, ang aliw, ang ganda ng tinginan,

Naroon pa rin ang pag-aalala, ano na nga ba ang iyong kalagayan?

 

Dasal sa Maykapal, pagkakaibigan ay basbasan,

Maging maligaya nawa ang bawat isa, saan man tayo  ngayon nananahan….

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on October 17, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: