Pag-ahong napapanahon…

Bugbog na katawan,

Bugbog na utak,

Basag na pangarap,

Durog na puso,

Minsan, ninais na ngang sumuko,

Ngunit isang araw, tayo ay pinagtagpo,

Aking pira pirasong sarili ay nabuo,

Bagong umaga, pagsuyo ay bago…

Nalibang muli sa pagmasid  ng paligid,

Nabatid bawat araw ay may ligayang hatid,

Nakahinga na muli ng hanging sariwa,

Nagpakasarap na muli sa aking  pagkahiga…

Nakakatuwang isiping sa bawat pagkalugmok,

Babangon muli, na parang hinipan lang ang usok,

Nakakasirang mga isipin, masakit na damdamin,

Itinapon na lamang sa basurahan doon sa amin…

Ngingiti-ngiti na para bang kinikiliti,

Liwanag ng mukha ay di maitatanggi,

Nakabangon na nga mula sa lusak ng suliranin,

Panibagong pakikibaka, akin ngayong  hahamunin….

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on October 2, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 9 Comments.

  1. nice!
    tink pasitib!
    wag kang aayaw!
    ^_^
    napadaan po…
    im new here in wordpress 🙂
    naglalakad lakad muna…

  2. dapat optimistik tayo 😉 hi gurll…

  3. Miss ka na nang wordpress. Musta? Busy ba. Hintayin namin susunod mong blog post. Ingat.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: