Di Maunawaan…

Mahal, tunay ngang nais kitang unawain,

Subalit may kurot,  itong taglay na damdamin,

Ang punyal na matalim, ayan na’t  bumabaon,

Nakalalapnos  na tubig, ayan na’t tumatapon…

Sa ating kahapon at sa pagdilat ng aking mga mata,

Mapagsuyong ngiti, sa akin ay nakabukana,

Malamyos na tinig, humahaplos sa kaibuturan,

Mainit na palad, dumadampi sa aking katawan…

Ngunit, ating tag-araw ay napalitan na ng tag-ulan,

Pilit pinapawi,, mga itim na  ulap sa kalangitan,

Pagsuyong hatid, bakit di ko ngayon mabatid,

Nalilito ang isip, pinto’y nagsisimulang puminid…

Naliliyo, nahihilo, hindi ko talaga maunawaan,

Ako nama’y nakinig nang tayo’y magsumpaan,

Pilit kinakapa, hindi ko na maramdaman,

Atin bang pag-ibig, umabot na sa sukdulan?

 

Posted on September 27, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: