Sa paglaya….

paano kung ayaw lumaya ng pinapalaya?

paano kung ang nais lumaya ay di makalaya?

paano kung lumaya ang pinalaya ngunit sa paglaya di lubos nakalaya ang diwa?

paano kung ang lumaya ay nag-iwan ng luha sa diwa?

paano kung diwa ay nagdusa dahil ang lumaya ay natuwa?

 

(sa makakasagot ng aking mga katanungan…. lilibre ko ng meryenda :)… )

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on September 25, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 9 Comments.

  1. paano kung ayaw lumaya ng pinapalaya? Ang tigas ng ulo ah! Makulit.. Wag pilitin kung ayaw hihi

    paano kung ang nais lumaya ay di makalaya? Kailangan kasi ng konti o mahaba-habang panahon(alin man sa dalawa) pinipilit kasi kaya siguro nahihirapan, just let it flow hihi (parang alam ko hehhe)

    paano kung lumaya ang pinalaya ngunit sa paglaya di lubos nakalaya ang diwa? Maghintay gang tuluyan makalaya… O baka dahil di makalaya, makasanayan na lang nA maging bahagi ng sistema.. Sanayan na lang😉

    paano kung ang lumaya ay nag-iwan ng luha sa diwa? Ganun naman kalimitan, may luluha. Palayain ang luha, tanggapin ang kinahinatnan, at simulan ang paghakbang para sa bagong buhay… ^_^

    paano kung diwa ay nagdusa dahil ang lumaya ay natuwa? kailangan tanggapin… Mahirap ipilit ang nais kung ang isa lang ang may gusto… =]

    Kung pagkatapos ng unos ay patuloy pa ring humihinga, aba naman wag mong sadyain ang pagputol ng hangin sa iyong sistema upang maging maayos ang daloy ng paghinga, upang di ka mahirapan at magdusa.Dahil sa pagkakataon na ganoon ikaw mismo ang nagiging rason kung bakit doble ang paghihirap sariling katauhan…
     ate ang GUSTO LANG NAMANG MERIENDA EH TURON AT MARUYA. Ang dami namang sasagutan hahaha. Baka naman pwedeng humirit na rin ng sago’t gulaman… ^_^
    *salamat =)

     

    • wahahahahahahha grabe ang wagas ng koment hihihi….nakakaaliw basahin!!!!

      “Kung pagkatapos ng unos ay patuloy pa ring humihinga, aba naman wag mong sadyain ang pagputol ng hangin sa iyong sistema upang maging maayos ang daloy ng paghinga, upang di ka mahirapan at magdusa.Dahil sa pagkakataon na ganoon ikaw mismo ang nagiging rason kung bakit doble ang paghihirap sariling katauhan”

      ay syang tunay!!!!

      Minsan kasi, sa tigas ng tuktok, ayaw nating kumawala🙂

      Ang gusto lang magmukmok… ayun ang kinalabasan…. PUMANGET hahahhahahah

      O sya, uwi ka na at ipaghahanda kita ng espesyal na turon…yung may minatamis na langgka at maruyang napakasarap!!!!

      may free na sago at gulaman, habang walang humpay ang ating kantahan 🙂

      Mwahhhh!!!

  2. Gusto ko yung part na ito: “paano kung lumaya ang pinalaya ngunit sa paglaya di lubos nakalaya ang diwa?”

    I miss you! Namiss kong bumisita sa iyong hardin. Ang tagal ko ring kasing nawala sa wordpress. Hehehe. I’m back!🙂

    • hahahahah welcome back mr bean!

      ako man ay namahinga din, nag nais magdisappear pero hmmmm…. hindi kayang mawalay sa mga panulat at mga kaibigan sa WP hahhahahahahah

      Miss you din…bisita ka lang dine ha?

      kung lumaya nga ang pinalaya ngunit di lubos nakalaya ang diwa = MISERY…. yun lang hihihihi

  3. theworshipwarriorbride

    paano kung ayaw lumaya ng pinapalaya?
    –tatanungin kita ulit, ang napapalaya ba ay gusto ring lumaya? 100%? hihihi, kasi kung “oo” walang dapat gawin kung ayaw lumaya ng pinapalaya kundi hintayin na gustuhin niya, pero hindi ibig sabihin ikukulong din ng nagpalaya ang sarili niya dun.😉

    paano kung ang nais lumaya ay di makalaya?
    –tama si froggy…hintay-hintay lang, mahirap naman talagang agad-agad lalo na kung may attachment na. Pero sometimes talaga the small steps we take to freedom is painful at first pero ‘di lalaon mawawala din ang sakit, walang kalayaan na nagdulot ng lungkot na panghabangbuhay (ang seryoso ko naman ngayon.)

    paano kung lumaya ang pinalaya ngunit sa paglaya di lubos nakalaya ang diwa?
    –hintay-hintay lang ulit…syempre kaya nga gustong lumaya dahil natali ng ilang panahon sa kung saan man gustong makalaya kaya natural lang na hahanap-hanapin ang ilang mga bagay-bagay.

    paano kung ang lumaya ay nag-iwan ng luha sa diwa?
    –normal naman yata yun? hihihi…ngingiti din ang nagpalaya kaya don’t worry.

    paano kung diwa ay nagdusa dahil ang lumaya ay natuwa?
    –walang talo sa kalayaan kahit ang lumaya o nagpalaya pa🙂 kaya dapat matuwa din ang nagpalaya kasi ginawa niya ay tama😉

    oha! oha! seryoso ‘yan! hihihi…kalma-kalma, chillax lang, walang permanente sa mundo lalo na ang pait at sakit minsan kelangan lang natin silipin ang dulo ng isang bagay na parang walang hanggan para masilayan ang liwanag at muli ngiti at maaninag. Minsan din ang pagiging masaya ay desisyon.🙂

    ehem…meryende…ehem…veggie salad, o kahit anong gulay dahon na may mayonnaise or cream? hihihi..hello ate miss yow!

    • wahahahhahahaha….wagas ang mga kasagutan!!!! ang galing!!!! Pambihira!!!! may utang tuloy akong veggie salad sa iyo my dear sis:)

      heto ang gusto ko….

      “Minsan din ang pagiging masaya ay desisyon”

      Kaya nagdecide nang sumaya uli … Ayun ang gravatar na nakangiti na uli hahahhahaha…..

      Tulad ng gravatar mong always smiling🙂

  4. paano lalaya ang isang taong matagal ng malaya?

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: