Inasnang Sugat

(Mag-ingat sa mga hakbang, di man sinasadya minsan, tayo’y may naaapakan)

Makirot,

Masakit,

Mahapdi,

Sugat na nagdurugo, di maampat,

Di sinadyang naas’nan, palahaw di sapat…

Nais maglakad ng tuwid,

Dahil biglang napatagilid…

Nagkamali nga ng hakbang,

Masyadong mapusok, nadarang…

Nagbuhos ng tubig,

Nais mawala ang ligalig,

Dulot na pasakit, di naisip,

Hanging mainit, bilang umihip…

Pakiusap, sinukuan,

Pagtitimpi, sinubukan,

Paliwanag di pinakinggan,

Damdamin, di pinahalagahan…

Magigising isang umaga,

Naglaho na ang ganda,

Pakisamang inalagaan,

Matatapon lang ba sa basurahan?

 

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on September 12, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 2 Comments.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: