Ayawan na!

(A lighting bolt can burn you to ashes, the tempest can sink your boat, both can end your mortal existence but not your spirit’s journey…)


yako na!
uwian na!
suko na!
ayawan na talaga!

buhay hinamon,
ayaw huminahon,
ayaw umayos,
laging may unos

ayaw nang sumulong,
kaluluwa umuurong,
nagpagulong-gulong
bigat lalong pumatong…

di makatakas,
di makaalpas,
di makatalikod,
di makapanukod…

subukang huminga,
uusbong ang pag-asa,
subukang lumabas,
ngingiti ang bukas…

di didilat, pipikit muli,
di gagalaw, mananatili,
di iimik, tatahimik lamang,
di lalaban, ipasa-Diyos na lang.

( o kaya mas maganda, umakyat sa ituktok ng bundok at sumigaw , ilabas ang baga…iwasiwas ang bagahe…nagawa ko na, pramis!)

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on September 8, 2012, in FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 3 Comments.

  1. nagawa na, ‘la pa rin? ilangoy kaya sa dagat? hello, honey…😉

    • Uyyy nag backread🙂

      yey!

      Miss you sis!

      OO nagawa na pero in vain🙂

      kaya nga tama, ilangoy na lang sa dagat, mas maganda habang may habagat🙂

      • hala, na-miss rin kita, kapatid…

        ilangoy sa dagat
        maigi kung may habagat
        baka katapusan ng lahat
        matagpuan kang walang ulirat.

        pasaway na damdamin
        tila may sariling isip mandin
        mentras na pigilin at sawayin
        lalong kumahog sa mga panimdim.

        hello, dear. may utang pa akong tugon sa iyo… hope things are well,
        regards sa boys mo…😉

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: