“TAKTAK”

(may pagkakataon, ang utak, kinakalawang, itaktak lamang, gagana na naman)

Taktak, taktak!

Walang bumulwak,

Walang matakatak,

Di kasi inspirado,

Pinto biglang nagsarado…

Taktak, taktak,

Natuyo ang utak,

Mga titik lumipad,

Pag-iisip makupad,

Di makapaglahad,

Naudlot ang alimbukad…

Taktak, taktak,

Madalang ang patak,

Ideya ayaw maging titik,

Pangungusap, pumipitik,

Ay, mabuti pa ang tiktik,

Pakpak lumalagitik!

Taktak, taktak,

Masdan ang bulaklak,

Bubuyog walang malaklak,

Pulot sinasaid, bawat patak,

Napagod na lang sa paghatak,

Bulaklak, ayaw umindak…

Taktak, taktak,

Minsan nagiging latak,

Minsan walang halakhak,

Bukas, lakihan na lang ang yapak,

Habulan tayo, buhay ay malaking patimpalak!

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on September 7, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW. Bookmark the permalink. 8 Comments.

  1. akala ko yung itak-tak mo song ni joey de leon.. napapasayaw ako.. eheheheheh

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: