“Laban”

Madilim…

Ngunit sa dulo’y may liwanag, naaaninag…

Masikip…

Ngunit sa banda pa roon ay lumuluwag…

Maalinsangan….

Ngunit sa kabukiran, samyo ng hangin, may ginhawa…

Mahirap…

Pasasaan ba, ito rin ay aalwan…

Ipikit ang mga mata,

Bumuntung-hininga,

Sa iyo’y huwag iparusa,

Kasalanan ng iba…

Magpadaloy ka ng luha,

Ngunit ‘wag magpabaha,

Humawak sa kasama,

Ngumiti ka na sana…

Tingnan mo si ama,

Tahimik, nag-aalala,

Tingan mo si ina,

Lumigaya ka, dasal niya…

Laban lang ng laban,

Tingnan, ito’y may hangganan,

Tanggapin sa kalooban,

Maykapal, tayo’y iingatan…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on September 7, 2012, in FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: