HINAHALUKAY

(samu’t saring damdamin, ating kalamayin)

Hinahalukay,

Di maintindihan,

Kinukuyumos,

Nagkalukot-lukot,

Hinihiwa,

Nagdurugo,

Hinahatak,

Lumalaban,

Damdaming di maintindihan,

Di makuha ng  pakiusapan,

Pusong nagtatampo,

Pakiramdam, binabato…

Hayaan na ang mga tao,

Kung ayaw, e di ayoko,

Pilit, ipit, sakit,

Uuwi ako,  namimilipit…

Tingin sa langit,

Dasal, sigaw, impit,

Nais malaman, bakit?

Ako, ito, sa gitna ng hagupit…

Uwi na lang, matulog,

Paggising, magmumog,

Doon na lang, magpahinog,

Iwasang mabulok, bago mahulog…

Tingin pa, akala masaya,

Silip sa loob, nagdudusa,

Nagmamadali? huwag umasa,

Nakasimangot pa kasi si Kulasa…

Kain, hinga,

Buhay ka pa ba?

Saan kita makikita?

Naghahanap ka ba ng kalinga?

Utang muna,

Ngiti mahal na,

Tawa naubos, kiliti wala,

Payaso, nalaos na…

Asa, dama,

O s’ya, tigil na,

Pikit, isip,

Bakit di na lang umidlip?

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on September 6, 2012, in FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 20 Comments.

  1. tulog lang po yan Nay. I think nagpupuyat ka na naman. Hehehe😀

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: