Paalala sa sarili => Manumbalik…

PAALALA SA SARILI:  “Nahulog man sa pusali, maligo at magbihis, lumabas muli”

Sadyang ganyan,

Bigat di tayo nilulubayan…

Gaano man kasalimoot,

Gaano man kalungkot…

Tibay ng loob ang kailangang baon,

Pagtibayin,  pananampalataya sa Panginoon…

May mga pagkakataon ang mga araw may ligayang dala,

Hindi lamang natin napapansin, dahil tayo ay masyadong abala…

Kung kaya’t minsan maganda ring tumigil sandali,

Magpahinga, sabi nga ng isang kaibigan, tumingin sa ibang gawi…

Napakaganda ang mabuhay,  kahit minsan ito’y puro pasakit,

Bawat bakas natin, sa mundo ay sadyang gumuguhit…

Ang mahalaga, hindi man tayo nagtagumpay sa ibang bagay,

Sa maraming pagkakataon, may mga nahaplos namang buhay….

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on September 4, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW. Bookmark the permalink. 7 Comments.

  1. Huwag ka na po malungkot…gaya nga ng sinabi we can touch others heart in another way around..chill chill lang poh 😉

  2. “Ang mahalaga, hindi man tayo nagtagumpay sa ibang bagay,

    Sa maraming pagkakataon, may mga nahaplos namang buhay…” – hala pa, kumusta na you? 😉

  3. 🙂 tnx sis.. yes, may malungkot mang bahagi sa ating buhay ngyon tingin lang sa kabilang panig baka sakaling mapangiti ka 🙂

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: