“Sa Paglinis”

(Hindi ka perpekto, nagkakamali…kung may nadumihan, iyong linisan) 

Putik na iyong ibinato,

Nagkalat sa pasimano,

Ikaw ang naghasik,

Punasan, upang di magtiktik…

Mga kalat sa sahig,

Iniluwa ng bibig,

Buhusan mo ng tubig,

Itapat ang pandilig…

Katauhang nanlilimahid,

Nakakasuka sa pagkaganid,

Kagandahang  inulingan,

Daig pa ng ulikbang niliguan…

Damputin mo ang balat,

Baka matumba pag nalingat,

Ikaw din ang masusugat,

Nadulas sa pakalat-kalat…

Dumi mo, linisin mo,

Nabubulok, itapon mo,

Ikaw rin, buhay na basurahan,

Pilit aapaw, ika’y matatabunan…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on September 3, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW. Bookmark the permalink. 21 Comments.

  1. basura mo itapon mo. tama nga nman! heheheh! sissss! open na?😀

  2. ang tagal naman ng realization na iyan? baka iyan ay kasama dun sa cesna plane ni robredo… o di kaya, nag around the world pa…

  3. theworshipwarriorbride

    makiki-hmmmm ulit…hello ate.🙂

  4. naalala ko yung commercial na “kung anong itapon mo, ay babalik din sa iyo..”

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: