Sa Pusod ng Gubat

(sa kinasanayang kapaligiran, malaya at walang kinatatakutan, sa biglang pagbabago, bahag ang buntot sa pananakbo)

Sa pusod ng gubat,

Aking biglang nasalabat,

Tigreng matapang, di nagugulat,

Di mapakali, hindi maawat…

Galit  sa malapitan,

Nananalisik sa titigan,

Ayaw man lang pahawakan,

Balahibo sa kanyang katawan…

Pasimpleng lumapit,

Kahit na alumpihit,

Nais na subukan,

Tigre ay matabihan…

Pilit nakipaghabulan,

Paakyat ng kabundukan,

Hiningal, tulo ang pawis,

Mabilis, kay-ilap ng labis…

Di sumuko, hirap ang kalaban,

Sa liksi at t’yaga, ito’y di matawaran,

Tiyak, paglabas nito sa kagubatan,

Naghihintay, kakaibang kinabukasan…

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on September 1, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW. Bookmark the permalink. 1 Comment.

  1. ang tigre ay di maaring lumabas sa gubat na kinasanayan… baka makatay paglabas sa kabihasnan… ibang iba ang buhay at kalakaran…

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: