Saan Na Nga Ba ang Isa?


Ako ay may alaga,

Kunsyensyang mataba,

Ako ay mahal niya,

Mahal ko rin siya,

Mahal namin ang isat-isa,

Mabigat na kunsyensya, iyon ata,

Kaya’t ako, ay kanyang pinalaya…

Isang tsinelas na nawala, talampakan ay sumakit,

“Aray! Aray!” paglakad at pagtakbo, iyan ang sambit…

Kumbakit kasi, kapareha ay biglang di makita,

Sa aking pagtalilis, ito ba’y may nakakuha?

Madali nang madali, ayun nadapa, di nag-iingat,

Kalyong kumakapal, nadagdagan tuloy ng sugat…

Si Pedro, pati si Maria, uli-uli, takbo bilis bilis!,

Hingal, singhap, tulo laway, pati na rin pawis!

Talampakang sumasakit, dumi ay kumakapit,

Hanapin ang tsinelas, maghugas bago idikit,

Kuskusin ang putik, sabunan ng paulit-ulit,

Upang sa muling paglakad, pwede nang kumandirit!

Munting tinig na naririnig, bumubulong ng pag-ibig,

Isa at isa labas ay dalawa, maaring maging isa ayon sa hilig,

Isa ang  nawala, hinanap sa halamanang kaibig-ibig,

Di makita, di makapa, asan na? Buhusan mo nga ng tubig!

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 29, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: