Masalimoot na Katauhan

(sa isang pilit na paglapit, sasalubungin ng hagupit, tunay na nakapagngingitngit, hinding hindi na muling ipipilit)

Bulag na di naman,

Bingi na di naman,

Baliw na di naman,

Inutil na di naman…

Nakakasakit,  mga salitang kaytalim,

Gumuguhit at  umuukit, sobrang lalim,

Pagkadismaya ay muling nabubuhay,

Mga inosenteng buhay, bakit dinadamay?

Kung di kaya, hindi sana pinasok,

Kung di kaya, hindi sana sinubok,

Kung di kaya, hindi sana sinugod,

Kung di kaya, hindi sana umusod…

Hindi biro ang mga buhay na tangan,

Hindi biro, ito’y pinakakaingatan,

Responsibilidad, ayaw gampanan,

Huwag asahang pagyao’y iiyakan…

Kanya-kanya, sabi ng huwad na malaya,

Iyo ang iyo, ganung muli, ako ang bahala,

Kanya-kanya, sabi ng huwad na  bayani,

Tutulong sa iba, sa pamilya ay  hindi…

Harinawa, baluktot na isip ay hipan ng hangin,

Harinawa, maging masaya sa bawat naisin,

Sa paglipad muli nitong mga puting kalapati,

Maiiwan kang tiyak, mag-isang mamimighati…

Hindi na lilingon pang muli, kahit na isang saglit,

Matagal nang hindi nakita, matagal nang di kinulit,

Sa isang pilit na paglapit, sinalubong pa ng hagupit,

Tunay na nakapagngingitngit, hindi na muling ipipilit…

PATAWARIN KA NG DIYOS, DI MO ALAM ANG IYONG GINAGAWA…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 29, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: