“KALINGA”

Masakit ba?

Hayaan na aking haplusin….

Mahapdi ba?

Hayaan na aking gamutin…

Makirot ba?

Hayaan na aking suriin…

Sa bawat pagtulo ng iyong luha,

Damhin ang haplos ng kalinga,

Sa bawat hirap na nadarama,

Damhin ang haplos ng tagapag-alaga…

Isang matamis na ngiti aking ibubungad,

Lalo na sa mga pagkakataong ika’y di pinalad,

Aking malamyos na tinig, iyong makakasama,

Papawiin ang sikip, paluluwagin ang paghinga…

Hangad ko ang iyong dagliang paggaling,

Mula sa kadamdamang, sa iyo’y sumasaling,

Ako ay naririto, lagi mong makakapiling,

Mula sa umaga, hanggang sa  ika’y mahimbing…

Hihintaying ikaw ay magising, upang mapakain,

Aalalayan ka sa iyong paggalaw, pati na sa pagbaling,

Lahat ng sa iyo ay makakapagbigay-ginhawa,

Aking gagawin, buong puso, ng  buong pagkalinga…

Di na baleng ako ay mapuyat,

mapababa lamang ang iyong lagnat,

Di na baleng ako ay mapagod,

mabantayan ka lamang ng maayos…

Di na baleng ako ay magutom,

dagliang pagtugon, ito ang layon…

 

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 29, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 7 Comments.

  1. may sakit ang isa sa binata mo sis? sna gumaling na sya agad. :-*

    • wala naman, sis…dont worry…follow up ko lang yan sa post ko about the NARS hihihi

      hinahamon kasi ako ni Haribon ng 100 post this month eh katapusan na… hinahabol kong yung 100 posts hahahahahah!!!!

  2. maryosep! ang dami! hahaha

  3. hahahahahaha! kinarir talaga😛
    qouta na ba?

    regular challenge na yan 100/mo for the next comming months😉

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: