“LAMPARA ng PAG-IBIG”

Pag-ibig ay maihahalintulad isang lampara,

Sa kanyang pagningas, liwanag ang dala,

May saya’t ligaya, nakakabuhay ng kaluluwa,

Sa pag-ihip ng hangin, liwanag ay nawawala…


Kailangang habaan ang mitsa,
tulad rin ng pasensya,

Kailangang bantayan ang sindi,

tulad din ng damdaming masidhi,


Kailangang itayo ng maayos,
tulad din ng pangarap na inaayos,


Kailangang mapanatiling puti,
tulad ng pagiging tapat, walang panaghili…

Lamparang tangan, kailangang ingatan,

Sa hanging masungit, ito ay ipaglaban,

Tatagal ang sindi, hanggang kinabukasan,

Kung lamparang ito, ay iyong pahahalagahan…

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 28, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN, MIND PEARLS. Bookmark the permalink. 12 Comments.

  1. theworshipwarriorbride

    “Lamparang tangan, kailangang ingatan,
    Sa hanging masungit, ito ay ipaglaban,
    Tatagal ang sindi, hanggang kinabukasan,
    Kung lamparang ito, ay iyong pahahalagahan…”

    Kilig mode… hihihi

  2. Kung sa paanong paraan ko sana iniingatan ang lamparang hawak ko sana’y ganoon din sila. Ang pamilya, kaibigan at pinahahalagahan at malalapit sa akin( walang lab layf ei kaya sila ang tinutukoy hehhe). Sana di nila pabayaan kung sakali mang umihip ang hangin upang ang ningas di mamatay…
    ( ewan pero may nadamang lungkot dala ng lampara na medyo nauubusan na yata ng gas o mantika) 😦

    • Maraming beses akong nakaranas na ang lampara ay nawalan ng laman, as in said, itaktak man, alang lumalabas… wala ding mabilhang gas na pamalit… madilim tuloy ang paligid…pana-panahon…at tama ka, harinawa kung paano natin pangalagaan ang lamparang tangan, SANA ganun din sila…Minsan lamang, ang kanilang damdamin ay di kasing lalim ng sa atin…

      Magbigay ng pagmamahal at pangangala nang walang hinihintay na kapalit… mas hindi magiging masakit kung sa kanila ito ay kailangan pang ipilit 😦

  3. shaks! usaping masayang puso na nman. ahihihi.. stay hapi sis! at maganda ang paghahantulad mo sa lampara at pag ibig. aw! 😀

    • naku sinundan ko lang si maestro jan 🙂 gaya gaya, puto maya talaga!

      walang choice kundi maging masaya at dadami ang wrinkles, kahit ano pa man ang mangyari…

      Kahit nagasgas, nahiwa, nasaksak, napitpit, nadurog, napag pira piraso… sige lang… ngiti kahit nakangiwi… tuloy ang buhay kahit ang kaibuturan ay hinahalukay….. 🙂

  4. Manul-nulat ng Bayan

    opo, opo,,,pag-ibig na naman,,,bow

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: