“LOVE on the ReBound”

I have played basketball, even officiated barangay leagues (yep, I had that training when I was with the SK under the Philippine Sports Commission, wagas di ba? hahahaha)…I was a very active athlete during those times na pa-cute pa ako hihihi! (Pero di talaga cute kasi pag atleta ka at panay ang laro, di pa naman uso ang covered courts noon, ย eh nagmukha talagang negrita ang lola nyo ^_^)… May fans club lang dahil sa …. legs!!! wahahahahahahaha…. yan lang ang maganda sa akin, pagbigyan nyo na๐Ÿ™‚ ( I play volleyball, basketball, table tennis, badminton, chess, pati na dama, chinese garter at sipa sa tingga! hahahaha)

May isang “move” lang talaga na amazed ako… yung “REBOUNDING”… alam mo yung “do or die na attitude” ng player? Doon mo makikita eh, sa “act” na iyon…

Takbo, pwesto, abang, hawak or agaw ng bola, hanap ng open man, pag wala, tingin sa ring, sipat, try mag shoot, mintis! ย hmmmm… pagtigas ng facial muscles, ย pagsalubong ang kilay…

Talon uli, agaw ng bola, hold, sipat uli, attempt, shoot!!! Ngiting kayganda at hiyaw na kay lakas! Lahat ng kakampi masaya, nagtatalunan! Ang miron na makapili, ayun kung kampi, nagtatalunan din… Lahat may Adrenalin rush sa isang minutong mahigit na kapanapanabik na pagkilos! (syempre ang kalaban, nakasimangot, pero ibang usapan na sila.. saka na, positibo ako ngayon eh ^_^)

Hmmmm…

Parang ganyan ang pag-ibig. Sobrang exciting sa simula. Grabe ang adrenalin rush! Sa lahat ng oras, nakapagkit ang ngiti sa ating mga labi. Para bang ang mundo ay kulay pink lahat, ang hangin ay laging banayad ma humahaplos sa pisngi, ang paligid ay parang napakaganda, ang lahat ng marinig ay musika…:) Parang TIMANG lang hihihi…

Ganado tayong makipag buno sa lahat, kahit suliranin, walang mabigat, lahat magaan lang… parang yung pakiramdamam pag naagaw ang bola tapos nakakashoot… ang pakiramdam..ELATED! Kung pedi lang sumigaw, sisigaw sa sobrang kasiyahan!

Syempre di tayo laging magaling na ball handler, minsan talaga, mintis – sa pag-agaw ng bola, sa pag-hold nito at sa pag-shoot…

Marami din kasing magaling, minsan mas magaling kesa sa atin, hmmmm aminin na lang para di masaktan…

Nabibitawan ang bola, naagaw ng iba, naiso-shoot nila, mula sa three point area pa! Syempre mas malakas ang hiyawan kapag ganunn din ba?

Kapag ganun, ang pakiramdam natin, parang ang mundo ay bumagsak, grabeng panghihinayang na di nakatalon ng mas mataas pa upang makuha ang bola. Nakasimangot, salubong ang kilay at nagngingitngit… nagagalit na di mawari, di malaman kung sa sarili naiinis o sa iba pang kalaban sa agawan. Ang dugo, umaakyat hanggang sa tuktok, lahat ng buhok kumukulot, ย ang bangs sumsakit, ramdam ang pagpanting ng tenga…hinga ng malalim, abang, pwesto, sugod uli…

Ayan na naman, “the ball is in the air again!” ikanga ng commentator…

Nakikitakbo uli tayo.. nakikiagaw… “ready to rebound”, pag nakuha pwesto, sipat, shoot…

TALON SA SAYA, kapag pumasok sa loob ng ring ang bola…. ulit na naman ang pakikipag-agawan kung nagmintis…

GANUN TALAGA… HUWAG MAGSAWANG MAG-REBOUND KUNG NAIS MAGTAGUMPAY SA PAG-IBIG…Parang basketball lang yan, ANG BOLA AY BILOG NA TUMATALBOG…

At tulad ng basketball na nakaka-addict panoorin at laruin, ang pagmamahal ay nakaka-addict din maranasan- ulit lang ng ulit kahit masakit minsan… di susuko hanggang sa makatagpo ng irog na di pilit…

“DO OR DIE!”

Mag-ingat lang sa “Blocking Foul at Technical Foul”, madali kang ma out of the game๐Ÿ™‚

Posted on August 27, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 31 Comments.

  1. Nakakahingal at nakakapaos ito…
    Ang pagod namang tumakbo, mang-agaw at dumipensa ah!๐Ÿ™‚

    Kahit anong higpit ng hawak sa bola pwede itong maagaw, o di kaya’y biglang mabitawan, pwede ring di inaasahang maipasa sa katunggali… Mangyari man ‘yon tuloy pa rin ang laro… Tuloy-tuloy ‘gang walang sumusuko….๐Ÿ™‚

    • Tama!

      Labas man ang baga sa kakasigaw, tulo mana ang lahat ng dapat tumulo, Pagal mana ang katawan, pagod man ang isipan at ang puso ay parang kabayo sa bilis ng kalabog… sugod lang ng sugod…

      Ganun talaga…

      Laging may simula at dulo, may panggagalingan at paroroonan, may panimula, kaganapan, katapusan…
      ๐Ÿ™‚

  2. ay sis ako nman. hnd sporty. lalo ang basketball. ayw tlg! pag p.e nmin un. ayaw ko tlg. d ako ssli.hehehe. dun nlng ako s pag ibig. lagi ako nkasalang. laging humahabol ng bola. ewn ko ba wla akong kapaguran pagdting sa laro na un! minsn prang gusto ko nlng hilingin na sana hnd nko mkpasok s laro n un. nkakapagod! :-l

    • kakatuwa ka naman sis! At sa pag-ibig lang talaga nakasalang hahahahah!

      ako, mas nais na makipagbanggaan na lang sa basketball o magasgasan sa volleyball at hingalin sa badminton kesa sumalang muli sa pag-ibig… AYAWAN NA AGAD!๐Ÿ™‚

      Ang pag-ibig kasi, di lang katawan napapagod, pati utak at puso…

      Ang kaluluwa, naiiwang lupaypay…

      Di nakukuha ng gatorade lang hahahhahah…

  3. Manul-nulat ng Bayan

    pag-ibig nga naman, kahit saa’y maaaring ikumpara

    • Hmmm…

      OO, naikumpara ko na sa kalasingan yan… ung NALASING NA PUSO…

      Sa sasakyan, sa halaman, sa langit, sa bituin, sa buwan, sa araw…. sa lahat na ata…๐Ÿ™‚

      Ano pa kaya? Hmmmmm ….

    • Hmmm oo nga ano? Pedi din pala sa lampara…

      Pag-ibig ay maihahalintulad isang lampara,
      Sa kanyang pagningas, liwanag ang dala,
      May saya’t ligaya, nakakabuhay ng kaluluwa,
      Sa pag-ihip ng hangin, liwanag ay nawawala…

      Kailangang habaan ang mitsa,
      tulad rin ng pasensya,
      Kailangang bantayan ang sindi,
      tulad din ng damdaming masidhi,
      Kailangang itayo ng maayos,
      tulas din ng pangarap na inaayos,
      Kailangang mapanatiling puti,
      tulad ng pagiging tapat, walang panaghili…

      • Shaks….

        Sambit ng nagugulat,

        Shaks…

        Sambit ng namamangha

        Shaks…

        Sambit ng walang masabi…

        Shaks…

        Sambit ng makahiya…

        Shaks…

        Sambit ng natutuwa…

        Shaks! Shaks! Shaks!

        Naks!

  4. ingat din sa mga “steals” at masydong nagiging pisikal makuha lang ang mga rebounds. Dpat laging patas ang labanan. Kpag natalo, ok lang yan bsta lumaban ka pa rn ng patas.๐Ÿ™‚

  5. theworshipwarriorbride

    Ikaw nang athletic ate!

    Favorite ko sa basketball yung kapag may nate-technical foul eh hahaha…Yung tipong gigil na gigil ka kasi minumura yung player mo tapos gusto mo siya kutusan pero hindi pwede at finally si Mr.Referee ang makakarinig sa kanya!!! hahaha!!!bwahahahah!!! Wagas ang ligaya! Tapos ang career ng walang modong player!

    • hihihi… mas gusto ko yung pinanonood at sinusundan ang mabait at magaling๐Ÿ™‚

      • theworshipwarriorbride

        Yun din, masakit lang sa puso yung minumura yung player mo….teacher na teacher lang talaga ako. Hahaha…’Pag kasi naglalaro mga student namin before tapos ganun ang kalaban inis na inis kami well proud at the same time kasi alam naming kahit anong mura gawin niya hindi gaganti ang mababait naming studyante hehehe๐Ÿ™‚

  6. madalas akong ma injury sa basketball… hihihi

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: