“LAYON”

(mga taong di tunay, mistulang kaibigan ngunit kaaway… pagkukunwaring kayhusay!)

Ano ba talaga ang iyong layon?

Nakakagigil, galit ko’y naiipon…

Kwento dine, pati sa kabilang bakod,

Kalalagare, di ba napapagod?

Nakikinig sa  tugtog, di naman tinatapos,

Susubukang umawit, di naman alam na lubos,

Nakikinig at nanonod ay tila nasusuya,

Sa iyong pag-awit na parang nanunuya..

Di ka ba marunong makahalata?

Mapagkunwaring  di nahihiya?

Mala-anghel na mga anyo,

Demonyo palang palalo,

Kung pwede lang sunugin,

Aking malayang gagawin,

Mga taong walang modo,

Mga katauhang di totoo…

Ang hirap din naman kasi, madaming manloloko,

Kalungkutan, mas maraming nagpapaloko…

 

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 25, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 25 Comments.

    • Sa lahat ng klaseng manloloko ate…

      Maaaring backstabber,

      Maaring Tsismoso/ tsismosa,

      Maaring mapagkunwari,

      Mga nanghihila pababa upang sila ang tumaas,

      Name it…

      Mga taong negatibo sa ating paligid….

  1. Haay di nga nauubos ang ganyan. Ipagdasal na Lang natin at para na din di maging katulad nila.

  2. Hmmmmm…. may punto…

    Tanong:

    Paano kung ang isang taong bagong kakilala ay feeling close? Pagkatapos aasal na parang ikaw ay pag-aari?

    Tanong muli:

    Paano rin kung ang isang tao ay matagal nang kakilala ngunit ayaw ilabas nag tunay na asal?

    Huling tanong sa pagsusulit:

    Paano kung ang orasan ay sira?

  3. ay wagas nmn nito sis. walang modo hehehe.. chill lng sis. puso mo 😀
    masaklap man, yeah meron ngang mga ganyan.

  4. Manul-nulat ng Bayan

    kaygandang pangaral

  5. sunugin! silabin! hihihi 😀

  6. theworshipwarriorbride

    Haha, grabe ate talagang sukdulan na ang paglalabas ng gigil? hmmm…Ang taray ng atake! hahaha…chill lang ate chill lang 🙂

  7. Lol lang nang lol para ayos ang buhay. o/\o

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: