Pagtangis…

Kasabay ng aking luha, ulan ay bumuhos,

Tila nagtatangis, sa aking sariling unos,

Sumuko na ang puso, di na napigilan,

Lumuluha man, patuloy ito sa hinahakbangan…

Kasabay ng aking luha, lupa ay bumaha,

Sugat sa damdamin, sadya pang sariwa,

Sa aking paghilom, panahon  ang kahilingan,

Pipiliting ngumiti, ipanumbalik ang kasiglahan…

 

 

 

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 21, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW. Bookmark the permalink. 8 Comments.

  1. Tumatangis ang kalooban.
    Ngunit ito’y panandalian lamang.
    Bibilang ng konting panahon
    At lahat nawa’y bumalik sa kaayusan…

  2. Dito pala dapat ung comment ko sori… Wag ka umiyak, di pa sya patay, wag ka excited… Nabasa ko lang ung quote na iyon somewhere… Sori, i just want to see you smile…

  3. kasabay ng pagtangis, ang panibagong pagbibihis
    kasabay ng pagluha, ang unti-unting pag-unawa
    sa dahan-dahang pakikipag-tuos sa damdamin
    ang paglisan ng panimdim na minsa’y kinimkim. 🙂 🙂

    • Alam mo bang nakagaan ng aking pakiramdam ang makita ang gravatar na may nota ng musika? nasasabik sa iyong mga kaisipang nakakapagpalikot ng aking isip. Tulad mo, ako ay nakapahinga lamang sa bloghopping… mabigat ang buong katauhan,pati utak natuyo…lilipas din, ikamo nga…”panibagong bihis” …. hmmm iyan ay pag-iisipan…

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: