Naglalabang Damdamin…

Naglalaban ang damdamin,

Ngunit kailangan nang gawin,

Buksan ang lagayang tangan,

Ilabas ang mabigat na laman…

Kailangang matutong muling tumayo,

Kailangang humakbang papalayo,

Kailangang matuto nang lumimot.

Kapayapaan sa sarili’y ‘wag ipagdamot…

Hindi nga ito ang katapusang nais,

Ngunit kalungkuta’y, di na matiis,

Sa huling paglipad ng mga ibon,

Kasamang ililipad, ang lahat ng  layon…

Puso ay parang hinahati sa gitna,

Puso ay parang dinidikdik, hinihiwa,

Masaktan man ng pasya sa ngayon,

Paggising bukas, muling babangon…

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 21, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW. Bookmark the permalink. 12 Comments.

  1. I read one quote… Wag mo sya iyakan dahil pa sa patay.. Wag ka excited… 🙂 i hope today is the start of your brighter day…

  2. sana ay muling bumalik ang sigla sa nagdadamdam na bolpen.. hihihi

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: