Minahal Kita, Paalam…
–
Minahal kita ng tunay na tunay,
Pinaikot sa iyo, itong aking buhay,
Pag-ibig mo, aking naging gabay,
Masasalamin ito sa aking mga sanaysay…
–
Hanggang langit ang pagtangi,
Giliw kong sadyang napakabuti,
Hinayaang maiduyan ang sarili,
Sa pag-ibig na di maisantabi…
–
Mahal kita, paalam na sinta,
Aking paglaya iyong ikaligaya,
Naalis nang lahat, ang mga tanikala,
Di na maghihirap, di na luluha….
Advertisements
Posted on August 21, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 2 Comments.
This too shall pass.. 🙂 magtira ng pagmamahal para sa sarili.. In time God will give you someone that you truly deserve. Hugs dear just stay strong.
“Di na maghihirap, di na luluha…” – di na maantig ng mga alaalang unti-unting naglalaho, para lamang bula… – chos! 😉 practice forgetting, practice forgiving hanggang dumating ang isang araw na kaya nang alalahaning walang pait… 🙂 hello, honey!