Nagdurugong Puso (Hemorrhaging Heart)

Pusong pulang-pula sa pag-ibig na taglay,

Ngayo’y nagdurugo, tila ba nahihimay,

Sa bawat pagtibok, lumalalim ang saksak,

Nasusugat, nahihiwa, pilit na bumubulwak…

Di mawala ng kusa, umaapaw sa pagdurusa,

Saan na nga ba pupunta? wala nang pagsinta,

Hinahanap ang sarili, hinahagilap ang tatag,

Kinakapa ang pagnanais, sakit ay maitagtag…

Kumuha ng sinulid, tinahi ang mga hiwa,

Pagtusok tiniis, karayom na kaytulis,

Damang-dama, walang pampamanhid,

Sa bawat paghigit, sinulid gumuguhit…

Pasasaan ba’t sugat ay maghihilom,

Mawawala ang sakit dala ng karayom,

Hindi magtatagal, pusong nagulanit,

Muling aayos, pulang dugo’y sisirit…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 20, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW. Bookmark the permalink. 6 Comments.

  1. .. naiimagine ko na tinatahi nga siya.. at bigla akong nahilo sa sakit…

  2. Pulang dugo’y sisirit! Nakakapanlambot naman ito hehehe
    Kailangan bang tahiin? Hindi ba pwedeng sili ang ipahid ng mabilis maghilom? ^_^
    Makirot, mahapdi, masakit … O baka sa labis na sakit daig pa ang anesthesia sa pagkamanhid…😦

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: