Kaibigang Matalik…

(Para sa isang matalik na kaibigang di nagmaliw ang pagtingin, mula noon hanggang ngayon )

Dalawampu’t anim na taon na pala tayong magkaibigan,

Dumaan na ang napakaraming iba’t ibang karanasan,

Nagkalayo tayo ng mahigit na dalawampung taon,

Bibihirang magkausap, magkaroon ng komunikasyon…

Sa paglipas ng panahon, pagtatangi siya pa ring taglay,

Ako pa rin ang iyong paboritong kakampi’t kaaway,

Ako pa rin ang nakapagpapatawa sa iyo ng tunay,

Ako pa rin ang sa iyo’y pinakamahusay gumabay…

Karanasan ng ating kabataan, aking ikinasisiya,

Naaalala ko pa ang ating tugisan sa tumana,

Binabato ninyo ako ng putik, natutuwa ng sobra,

Dahil ko ay napipikon sa bawat pang-asar na puna…

Sa bawat pang-aaway ng ating mga kaeskwela,

Ikaw ay nariyan, ipinagtatanggol ako sa kanila,

Sabi mo, ” Hayaan mo na sila, hindi ka kasi nila kilala”

Pinalalakas ang loob, pinapangiti mo ako sa tuwina…

Ako ay natutuwa sa nangyari sa iyong buhay,

Di ka nagkamali ng landas, sa ating pagkawalay,

Mabuti at nakinig, pinigil ang mga kapilyuhang taglay,

Mayroon ka ngayong pamilyang masayang binubuhay…

Ako ay nagpapasalamat sa iyo, aking kaibigan,

Ikaw ay naririyan pa rin, tuwing aking kailangan,

Labis na pagpapahalaga sa aki’y iyong ibinibigay,

Ito ay aking kayamanan, habang ako’y nabubuhay…

Aking dasal sa Maykapal, sa iyong pakikipagsapalaran,

Nawa’y ikaw ay kasihan ng biyaya, ikaw rin ay ingatan,

Ang iyong pagsusumikap para sa pamilyang mahal,

Nawa’y tagumpay ay ipagkaloob ng ating Maykapal…

( Heto na ang pangakong tula, Best, huwag nang mag-inarte, ayan na… Bestfriend kita forever, satisfied?…  love love love din to your wife and the kids ….^_^ ….Sige na, Apir na jan!!!!  Siguro naman may pasalubong na ako nito, bawian lang… hahahahhaha!  ^_^ )

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 19, 2012, in FREE FLOW, KARANASAN, RECOGNITION. Bookmark the permalink. 10 Comments.

  1. wow.. tagal na pagkakaibigan… sarap naman… mabuhay ang friendship!!!

  2. its so nice to have bestfriend talaga. ung tunay na kaibigan.. meron ba ako nyan?? hmmmm. at isa pang hmmmmm.. :))))

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: