Hala ka, hala na!

Hala ka!…. mga mata ay namumugto na,

Napupuyat, nangangayayat, hala na talaga!

Nag-iisip, nangangarap, tulog man o mulat,

Pambihirang pag-ibig! Sa pansin ay salat!

Aking nararamdaman, tibok ng aking puso,

Naroroon pa rin, nakabaon, ang gintong palaso,

Pinakikiramdaman, pagpintig ng aking pulso,

Ikaw pa rin ang sinisigaw, bakit kaya ganito?

Sinubukang mamasyal, sa iba pang dako,

Nakipagtawanan, ngunit sadyang napapahinto,

Nakakasalubong mandin, ng iba pang ginoo,

Ngunit kumbakit, ikaw pa rin ang hanap ko…

Ako nga ba ay ginayuma mo ng todo-todo?

Sa bawat pagbaling, anyo mo ang hanap ko,

Sa bawat pakikinig, hanap ko ang iyong tinig,

Sa bawat pagdilim, nais ay ang pakikipagniig…

Nakakalungkot isiping, nagbabago na ang lahat,

Masasayang dapit-hapon, usapang walang ampat,

Hindi na nauulit, hindi na rin nagkakakulay,

Uniti-unting namamatay,  di na nagkakabuhay…

Aking katanungan iyo ngang matapat na sagutin,

Ako pa ba ay iyong itinatangi, nais bigyang pansin?

Bakit tila umiiwas sa multong ikaw din ang may gawa?

Ayan na ako, nakalutang sa hangin, hindi nagsasawa…

(Bigla namang akong natawa sa ending nito hihihi, pambihira!)

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 19, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 15 Comments.

  1. Hala!
    Kung bakit di mabunot ang gintong palaso na yan! 🙂 maaaring ang kanyang malansing tinig ay patuloy na naririnig hehehe
    Hala takot ako sa multo hihi nais ko nang kumaripas ng takbo!
    Elo ate honey… (busy busy-han na dito 😦 )

    • Hala Froggy, na miss ko ang mga bakas ng palaka 🙂 Mukha ngang busy at di nakapagblog hop. Nasusundan ko ang iyong pahina, nakapag dive ka na rin ba gamit ang salbabidang maliit? parang kailangan na nating magdiet ng malupit! 🙂

      Ok lang magpakabusy, at least maraming maipapadala sa Pinas. Pag-uwi mo, makakarelax ka ng wagas 🙂

      • Pasulpot-sulpot na nga lang… Mas magiging busy pa 😦
        Hala! Kailangan nga ni froggy mag diet… Nakakagulat na ang bigat di na maka-hop…
        Naku po! Di kaya ang pag-dive, di kakasya sa salbabida, isa pang matindi, di marunong lumangoy hahaha… =}

  2. ghost ka na pala honey.. ehehehehehe…

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: